Wednesday, December 7, 2011

PULANG LABI, PUTING UBAN AT BERDENG UHOG


PULANG LABI
Minsa’y tuyo at mamasa-masa na may iba’t-ibang sukat
Pag iyong pinilit ito’y magsusugat
Sa tag-init, naghahanap ito ng mamahalin
Na katulad niya at kauri
Pwedeng himasin, kagatin at basain
Walang pagtutol o pagdaing,
Lambot niyang angkin siguradong ikaw ay maaakit
Babae man o lalaki di magpapahuli
Sa taglay ng Pulang Labi.

PUTING UBAN
Kahit anong iwas at pagtatago sa kanyang pagdating
Walang magagawa kung hindi tanggapin
Buhay ng tao di kayang pigilin
 Dahil ang ganitong pagbabago ay di inaasahang darating
Balang araw matututunan mo  rin akong mahalin
Bata man o matanda, Puting Uban ay di mawawala.

BERDENG UHOG
Alam kong 'di mo ito gusto
Ngunit ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito.
Pilit akong lumalabas, naisin ko man,
 di mo ko nagawang pagbigyan.
Oo, alam kong nahihirapan ka na,
Eh bakit ang kapatid ko natitiis mo pa,
Samantalang di hamak na mas sagabal siya.
Bakit ba siya ang iyong gusto kaysa sa’kin
Dahil ba kaya mo siyang paikot-ikutin.
Ilang araw na lang ang iyong hihintayin
Makikita mo rin ang kapatid ko sa akin.
Nagmamahal, Emoterang Berdeng Uhog.


No comments:

Post a Comment