Wednesday, December 7, 2011

Legal Age. Tama! Ang SAYA lang kasi sa puntong ito marami na 'kong pwedeng gawin, ang pagboto, pagtransak sa iba't-ibang ahensya, pagpasok sa trabaho atbp. Pwede na rin mag-asawa! 
JK lang! HAHAHA!

Disyembre 5, 2011. Nasabi kong akin ang araw na 'yun.
 Lubos akong pinaligaya ng aking mga kaibigan. 
Hindi ko akalain na may gagawin silang sorpresa sa'kin. 
Sa mga sandaling 'yon, nadama 'kong mahalaga ako sa kanila. 
Kaya naman bilang ganti, inilibre ko sila sa abot ng aking makakaya. 
Wala po kasi pera. Hahaha!


Dahil doon, nagkaroon kami ng 
munting selebrasyon.

KAIN.KAIN DIN!
Wari'y hindi namin namamalayan ang oras sa mga sandaling iyon. 
Kahit may mga klase pa kaming naghihintay.


  
Ang mga nagagandahan kong mga kaibigan. 
Ashuuuu! Hahaha. Mga diet nga sila pero 
wala silang ligtas kailangan nilang maubos ang lahat ng nakahain. 


Ang kwelang VTR na mula sa aking mga tunay na kaibigan,
 Hyacinth, Maii, Jozah at Stef.
MAHAL KO KAYO! SALAMAT!

Sa lahat ng nagpadala ng mensahe sa 'kin. Maraming Salamat po! 
Sa pamilya ko na sumusuporta sa aking pangangailangan
at syempre nagpapasalamat ako sa Maykapal, sa panibagong taon 
at buhay na ipinagkaloob sa'kin at sa biyayang aking nakakamit.
Nawa'y Pagpalain tayo ng Panginoon.





Muli na namang napatunayan ng mga Pilipino na sa kabila ng mga suliranin na kinahaharap ng bansa ay nagawa pa nitong makapagtala ng panibagong kaganapan sa larangan ng takbuhan. Nobyembre 20, 2011, ang araw na dinaluhan ng libu-libong kababayan natin para makiisa sa pagtakbo para sa Ilog Pasig.



Mahigit 80,000 ang dumalo sa taong ito. Hindi man nalagpasan ang naging kasaysayan noong nakaraang taon at opisyal na sinertipikahan ng prestihiyosong Guiness World Records na may bilang na umabot sa 116,000 na kalahok ay naging matagumpay pa rin ang nasabing programa. 





Lubusan akong nasisiyahan na makita ang mga taong nagpapakita ng kanilang determinasyon para makatulong sa kalikasan. Tayo ang daan para maisakatuparan ang minimithing kalinisan. 
JJJJJJJJJ


Narito ang patunay na buong puso akong nakikiisa sa magandang 
adhikain na muling bigyang kulay ang Ilog Pasig.
Ang bidyo na kuha noong nakaraang taon. 10.10.10

0:55 Ako, kasama ang aking matalik na kaibigan na si Hyacinth Suson. 
Kuha mula sa Pamantasan ng Silangan, Kampus ng Maynila.
"KAYA IKAW, WARRIOR, KILOS NA!"



PULANG LABI, PUTING UBAN AT BERDENG UHOG


PULANG LABI
Minsa’y tuyo at mamasa-masa na may iba’t-ibang sukat
Pag iyong pinilit ito’y magsusugat
Sa tag-init, naghahanap ito ng mamahalin
Na katulad niya at kauri
Pwedeng himasin, kagatin at basain
Walang pagtutol o pagdaing,
Lambot niyang angkin siguradong ikaw ay maaakit
Babae man o lalaki di magpapahuli
Sa taglay ng Pulang Labi.

PUTING UBAN
Kahit anong iwas at pagtatago sa kanyang pagdating
Walang magagawa kung hindi tanggapin
Buhay ng tao di kayang pigilin
 Dahil ang ganitong pagbabago ay di inaasahang darating
Balang araw matututunan mo  rin akong mahalin
Bata man o matanda, Puting Uban ay di mawawala.

BERDENG UHOG
Alam kong 'di mo ito gusto
Ngunit ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito.
Pilit akong lumalabas, naisin ko man,
 di mo ko nagawang pagbigyan.
Oo, alam kong nahihirapan ka na,
Eh bakit ang kapatid ko natitiis mo pa,
Samantalang di hamak na mas sagabal siya.
Bakit ba siya ang iyong gusto kaysa sa’kin
Dahil ba kaya mo siyang paikot-ikutin.
Ilang araw na lang ang iyong hihintayin
Makikita mo rin ang kapatid ko sa akin.
Nagmamahal, Emoterang Berdeng Uhog.



(Masining na Pagpapakilala)

Habang binabagtas ko ang aking pinagmulan,
Naiwan ang aking diwa sa kawalan,
at marahil nagtatanong, kung bakit ba ganyan?
 Nagulo ang aking isipan,
Kung sino ba ang tunay na dyosa ng kagandahan (Larawan #1)
At sumagi sa isipan, Ugali nga ba ang tunay na pamantayan
ng walang katulad na kagandahan.
Narito at inyong tignan ang aking larawang
puno ng kalandian at kalokohan. (Larawan #2)
Ako nga ba’y may pinaglalaban
o sadyang Ann-bisyosa lamang.

Hindi ako umaattitude gaya ng iba,
Mahigit isa ang bilang nila, kayo na ang bahala, kayo na ang humusga.
Meron akong kakilala, ‘wag kayong maingay sa kanya,
Hindi ko siya ginaya dahil gusto ko siya
ngunit tanong ko lang, Ano bang sakit meron itong si Gloria? (Larawan #3)
Sakit ang naidulot niya sa puso ng bawat isa
Sakit na din na malulunasan pa
tulad ng mga pagkakamaling ayaw ko nang balikan pa.
Isang patunay na nalagpasan ko na ang aking mga problema
 sa tulong ng Amang Dakila. (Larawan #4)

Sa kabilang banda,
Hanggang ngayon, ako’y nangangamba
Nasaan na nga ba itong si Elisa? (Larawan #5)
Panahon na para inyong makilala
at bigyang hustisya ang pagkawala niya.
Dito ko pala matatagpuan
sa pamantasan ni Madam Ester Garcia. (Larawan #6)
Tulad niya ninais ko ding mabuhay mag-isa
ngunit di ko pala kaya ang mabuhay na wala
ang aking ama’t ina. (Larawan #7)
Sa kanila ko nadama ang tunay na pagpapahalaga
na walang iba ang makagagaya.
Hahahaha! Marahil sapat na to, para ako’y inyong makilala. (Larawan #8)
Salamat sa makakaalala, Hanggang dito nalang muna
Siya nga pala, may tanong ka pa ba?!