Wednesday, December 7, 2011



Muli na namang napatunayan ng mga Pilipino na sa kabila ng mga suliranin na kinahaharap ng bansa ay nagawa pa nitong makapagtala ng panibagong kaganapan sa larangan ng takbuhan. Nobyembre 20, 2011, ang araw na dinaluhan ng libu-libong kababayan natin para makiisa sa pagtakbo para sa Ilog Pasig.



Mahigit 80,000 ang dumalo sa taong ito. Hindi man nalagpasan ang naging kasaysayan noong nakaraang taon at opisyal na sinertipikahan ng prestihiyosong Guiness World Records na may bilang na umabot sa 116,000 na kalahok ay naging matagumpay pa rin ang nasabing programa. 





Lubusan akong nasisiyahan na makita ang mga taong nagpapakita ng kanilang determinasyon para makatulong sa kalikasan. Tayo ang daan para maisakatuparan ang minimithing kalinisan. 
JJJJJJJJJ


Narito ang patunay na buong puso akong nakikiisa sa magandang 
adhikain na muling bigyang kulay ang Ilog Pasig.
Ang bidyo na kuha noong nakaraang taon. 10.10.10

0:55 Ako, kasama ang aking matalik na kaibigan na si Hyacinth Suson. 
Kuha mula sa Pamantasan ng Silangan, Kampus ng Maynila.
"KAYA IKAW, WARRIOR, KILOS NA!"



No comments:

Post a Comment