Wednesday, December 7, 2011

Legal Age. Tama! Ang SAYA lang kasi sa puntong ito marami na 'kong pwedeng gawin, ang pagboto, pagtransak sa iba't-ibang ahensya, pagpasok sa trabaho atbp. Pwede na rin mag-asawa! 
JK lang! HAHAHA!

Disyembre 5, 2011. Nasabi kong akin ang araw na 'yun.
 Lubos akong pinaligaya ng aking mga kaibigan. 
Hindi ko akalain na may gagawin silang sorpresa sa'kin. 
Sa mga sandaling 'yon, nadama 'kong mahalaga ako sa kanila. 
Kaya naman bilang ganti, inilibre ko sila sa abot ng aking makakaya. 
Wala po kasi pera. Hahaha!


Dahil doon, nagkaroon kami ng 
munting selebrasyon.

KAIN.KAIN DIN!
Wari'y hindi namin namamalayan ang oras sa mga sandaling iyon. 
Kahit may mga klase pa kaming naghihintay.


  
Ang mga nagagandahan kong mga kaibigan. 
Ashuuuu! Hahaha. Mga diet nga sila pero 
wala silang ligtas kailangan nilang maubos ang lahat ng nakahain. 


Ang kwelang VTR na mula sa aking mga tunay na kaibigan,
 Hyacinth, Maii, Jozah at Stef.
MAHAL KO KAYO! SALAMAT!

Sa lahat ng nagpadala ng mensahe sa 'kin. Maraming Salamat po! 
Sa pamilya ko na sumusuporta sa aking pangangailangan
at syempre nagpapasalamat ako sa Maykapal, sa panibagong taon 
at buhay na ipinagkaloob sa'kin at sa biyayang aking nakakamit.
Nawa'y Pagpalain tayo ng Panginoon.



No comments:

Post a Comment