Saturday, March 17, 2012


 
Minsan mo lang siya makita,
Pero siya ang tunay na kaibigan san ka man magpunta,
Di niya habol ang anumang mayroon ka,
Ang importante sa kanya, Ikaw ay makitang ligtas at masaya.

Masakit man isipin,
Pero hindi mo man lang siya napapansin,
Di niya kasi kayang magbukambibig para makausap ka,
Dahil baka matakot ka at mabahala.

Sadyang mapait ang mundong kanyang ginagalawan,
Na parati nalang naging sunud-sunuran,
Alagad mo lang siya kung tutuusin,
Wala siyang daing sa kahit ano man ang iyong gawin.

Kung sakaling siya’y iyong mapansin,
Wala siyang imik sa masasama mong gawain,
Sapagkat di ka niya kayang iwan,
Dahil siya ay nangakong di ka niya lalayasan.

Ang maitim niyang katauhan ay naging kataka-taka,
Hindi mo siya magawang makilala kung sino sya,
Sino nga ba siya para ika’y suwayin,
Siya ay isang ANINO mong laging nakatingin.
 
Sariwa, mahaba, mataba ‘yan ayos na,
Samahan mo pa ng bilugan, malagkit at malansa,
Ako’y di makapaghintay at nanabik na,
Pupunta na ako sa lugar kung saan pwede ko siyang masolo,
Sa tahimik at walang makakaistorbo.

Hawak ko siya at sabay kaming nagbasa,
Pwersa ang kailangan upang tuluyang ito’y mawasak
At tuluyang mabiyak, at maglabas ng puting likido na manilawnilaw
Isahod ng mabuti ng di masayang ang sanaw,
Nahubaran na at dahan-dahan nang ibuka at madungaw,

Nag-iinit na, nailagay na ang pampadulas at pampalasa,
Makiramdam ka dahil mapapa-aray ka,
Inihiga sa maayos na pwesto at mag-ingat,
Sa ipapatong na siyang kukumpleto ng kanyang pagkatao,
Hipo-hipuin at bantayan ng todo.

At nang mapagod, lumipat ng magandang pwesto,
Ginhawa ang naramdaman nito,
Nabitin at muling tumihaya,
nakaramdam ng sakit ng dahil sa hiwa,
Parang walang pagod at patuloy pa rin sa paggawa.

Patakam na sinunggaban ng naglalaway na nilalang,
Mabubulunan ka, magdahan-dahan ka lang,
Unti-unting sinubo at ipinasok ng paulit-ulit,
Hanggang sa mapaso at maulol
Sabay sigaw ng “Aray! Woo! Grabe, 
Masarap pala ang TORTANG TALONG!”.


No comments:

Post a Comment