Saturday, February 11, 2012

Ni Edcel Borlagdatan
  
O bayan, bayan kong namulatan,
Sa’yo ako’y nananalig at lumalaban,
Anumang pagsubok ang pagdaanan,
Patuloy pa ring mamahalin magpakailanman.

Angkin mong likas na yaman,
Ay lubos na matatanggap at iingatan,
Handog ko’y dugo, dunong at dangal,
Sa hirap, sakit at sagabal.

Sa lupang aking ginagalawan,
Ay mundong ang ikot-singbilis ng orasan,
Problema ng lipunan ang pagdadaanan,
At labis na dungis ang kakahinatnan.

Kalunos-lunos ang sasapitin,
Kung patuloy na tatangkilikin ang hindi sa atin,
Maglingkod sa uhaw na bayang sinisinta,
At sagipin sa mapanganib na banta.

O bayan, bayan kong iniibig,
Ika’y bukod tangi at wala nang dadaig,
Buong puso ang iaalay upang bigyang pag-asa,
Nang makamit ang maayos at mapayapang bansa.

Iba’t-iba man ang pinagmulan,
Bayang kinalakihan ay mahalin at pangalagaan,
Upang ginhawa ang siyang makamtan,
Abot langit ang sayang mararamdaman.



No comments:

Post a Comment